Toptube Video Search Engine



Title:HINDI LAHAT NG "MAKA-DIYOS" MALINIS ANG HANGARIN - Homily by Fr. Danichi Hui on April 10, 2024
Duration:11:57
Viewed:2,544
Published:10-04-2024
Source:Youtube

HINDI LAHAT NG "MAKA-DIYOS" MALINIS ANG HANGARIN - Homily by Fr. Danichi Hui April 10, 2024 | Wednesday Wednesday of the Second Week of Easter��Acts 5:17-26�Psalm 34:2-3, 4-5, 6-7, 8-9�John 3:16-21 Biblical: Ngayong araw na ito narinig natin ang buod ng kuwento ng Kuwaresma at Muling Pagkabuhay ni Hesus (Story of Lent and Easter). Ito rin ang isa sa pinaka popular at kabisado ng karamihan na “bible verse” ang John 3:16; “Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (God so loved the world that he gave his only-begotten Son, so that everyone who believes in him might not perish but might have eternal life) Reflection: Ito ang buod ng Pag-ibig ng Diyos sa atin. Ito din ang Pag-ibig na nakikita at panghahawakan natin. (Madalas kasi ang pag-ibig naririnig lang at pinararamdam, pero ang Diyos hindi lang naririnig at pinararamdam kundi pinakikita) Ang pagbibigay nya ng kaniyang bugtong na Anak para sa lahat, na ating panghahawakan at kakapitan. Ngunit, ang pag-ibig ay hndi lang tungkol sa “pagbibigay”. Dahil ang pag-ibig na puro lang pagbibigay ay “one sided”. Sapagkat ang nais puntohin sa atin ng mga Pagbasa ay ang “tugon sa pag-ibig” (the response to love). Ano ang ating Tugon sa Pag-ibig? Biblical: Dalawa ang tinutukoy ni San Juan na tugon ng tao sa pag-ibig na binigay ng Diyos. 1.Pag-pili sa Kadiliman: Ito ang malungkot na kuwento ng pag-ibig, ayon kay San Juan; “inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masama ang kanilang mga gawa.” Sino ang mga ito? Iyong mga taong nagtatago sa liwanag at gusto sa dilim. Sila iyong tinatawag nating may “maitim na balak”. Hindi lahat ng pag-ibig nasusuklian. Hindi na nga napapantayan, may ilan ginagawan pa ng kasamaan. Imagine mo, ikaw na nagbigay sa huli ikaw pa ginawan ng kasamaan. (Hindi ko tinutukoy ang iyong love story, ito ang ating love story sa Diyos) Kung nasasaktan ka dahil nagbigay ka at hindi nasuklian, iyan din ang madalas nagagawa natin sa Diyos. 2.Paglapit sa Liwanag: Ito yung sinasabi ni San Juan na mga “namumuhay sa katotohanan at lumalapit sa ilaw; sa gayun, nahahayag na ang kanyang mga ginagawa’y pagsunod sa Diyos.” Kung may taong “maitim ang balak”, may mga taong “malinis ang hangarin”. Sila yung walang tinatago at hindi kailangang magtago. Malalaman mo ito kung ang ginagawa ay ayon sa pagsunod sa Diyos. Sa madaling salita, ang ginagawa ay maka-Diyos. Pero dapat mag-ingat, dahil hindi lahat ng maka-Diyos “malinis ang hangarin”. Kaya nga ang pag-ibig ấy nasa puso. Dahil tanging puso lang ang tunay na maka-aalam ng balak at hangarin. Mga kapatid, sa bawat kuwento ng pag-ibig laging may dalawang panig. Ngunit ano man ang ating papanigan (Liwanag mân o Kadiliman) pagdating sa pag-ibig ng Diyos malinaw ang kaniyang hangarin, ang iligtas ang tao at hindi maparusahan. Dahil ang tunay na pag-ibig, hindi kapahamakan ang hangarin kundi kaligtasan.



SHARE TO YOUR FRIENDS


Download Server 1


DOWNLOAD MP4

Download Server 2


DOWNLOAD MP4

Alternative Download :